^

Punto Mo

Lalaki sa U.K., 36 na oras nagpaduyan-duyan sa swing para makamit ang Guinness World Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 51-anyos na lalaki sa Kinross, England ang nagpaduyan-duyan sa swing sa loob ng 36 na oras para mapabilang sa Guinness Book of World Records.

Nagsimulang mag-swing si Richard Scott ng 6:10 a.m. ng May 14 sa Loch Leven’s Larder playground at natapos siya ng May 15 ng gabi.

Upang hindi makasama sa kanyang kalusugan ang record breaking attempt, may pahintulot ang Guinness na magkaroon siya ng 5 mi­nute break sa bawat isang oras ng pag-upo sa swing. Inipon ni Scott ang kanyang breaktime upang umidlip sa loob ng 12 minutes.

Ayon kay Scott, malaki ang naitulong ng kanyang pag-idlip kaya nakatagal siya ng 36 hours sa swing. Ang previous record holder ng titulo ay si Quinn Levy na tumagal ng 34 hours ang kanyang swing marathon.

Mapapanood ang 36 hour marathon ni Scott sa Facebook page ng Rotary Club of Kinross and District.

Sa panayam kay Scott kung saan tinanong siya kung bakit niya ito ginawa, sinabi niya na bata pa lamang siya ay pangarap na niyang mag-swing marathon. Bukod dito, malaking karangalan para sa kanya ang mabasa ang sariling pangalan sa Guinness Book of World Records.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with