^

Punto Mo

PUV drivers umiiyak na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

KAHAPON ay big-time oil price hike na naman ang kinaharap ng mga motorista.

Matindi ang itinaas sa diesel na umabot sa higit sa P4 sa kada litro at P3 naman sa gasolina.

Aba’y iyakan na naman ang mga driver sa mga pam­publikong sasakyan. Diesel ang karamihang ginagamit ng mga ito sa kanilang pamamasada.

Nakikita na wala pang katapusan ang halos linggu-linggong pagtaas, hangga’t wala pang linaw kung kailan matatapos ang kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ito kasi ang sinasabing pangunahing dahilan kaya patuloy sa pag-alagwa ang presyo ng petrolyo.

Talagang nakakaawa na ang mga driver ng mga PUVs, na halos ngayon pa nga lang sana makakabawi sa matagal na pagka-tengga dulot ng pandemya.

Mukhang ganon din ang suma dahil nga nasundan naman nang walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Wala namang nagiging pagtaas sa pasahe.

Fuel subsidy kasi ang naisip na paraan ng pamahalaan para sila matulungan.

Hindi nga ba’t natigil pa nga ito dahil nasakop pa ng Comelec spending ban.

Bagama’t ngayon nga ay pinahintulutan na o binigyan na exemption ng Comelec ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) marami pa rin ang hindi nakakatanggap ng ayuda.

Ito na lang kasi ang inaasahan ng mga PUV drivers at operators  na makakatulong kahit bahagya sa kanila dahil  sa dinaranas na kalbaryo sa mataas na presyo  ng gasolina.

At para palakasin ang kanilang loob, eto at may pangako ang LTFRB na magtutuluy-tuloy na ang LTFRB sa pamamahagi ng  fuel subsidy.

Humingi naman ng pang-unawa ang LTFRB kung hindi pa lahat eh nabigyan ng ayuda dahil nga sa may sinusunod din silang proseso.

Pero giit ng mga apektadong driver na isa nga sa kanilang hiling na kung maaari nga kahit pansamantala ay maitaas muna ang pasahe at alisin na lamang uli sakaling bumalik na ang presyo ng petrolyo sa dati.

Kung sabagay may ilan na ngang mga pasahero ang nauunawaan ang kalbaryo ng mga driver kaya kahit sila ay nagkukusa na minsan na huwag na kunin ang malilit nilang sukli para tulong sa kita ng mga ito.

Sana ay matignan pa rin ito ng pamahalaan.

OIL PRICE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with