^

Punto Mo

MMDA at LTFRB, gising na ba kayo?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MALAKING perwisyo sa mga pasahero ng provincial buses ang ipinatutupad na window hour na 10:00 p.m. – 5:00 a.m. ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para makapasok at makagarahe ang provincial buses sa kanilang terminal sa Metro Manila.

Libu-libong empleyado na nakatira sa labas ng Metro Manila ang nahihirapan sa pagbibiyahe dahil sa pagtigil ng provincial buses sa kanilang operasyon. Sinusunod kasi nila ang kautusan ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes.

Chairman, artehan mo kaya ng naiiba?

Malaking sagabal daw sa daloy ng trapiko ang mga malala­king buses mula 6:00 a.m. hanggang 9:00 p.m. Nagreresulta raw sa pagbagal ng daloy ng negosyo na kumikitil naman sa bilyong pisong buwis na dapat ay kinikita ng gobyerno.

Dahil sa karaingan ng mga pasaherong manggagawa, nagbabala si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na papatawan ng parusa ang provincial buses operators. Dahil ito sa hindi pagpapasada ng buses nila ayon sa itinatalagang regulasyon ng LTFRB.

Nagiging katawa-tawa na may pagkainis ang nararanasan ngayon ng mga negosyante at manggagawa dahil sa kumplikadong mga kautusan ng MMDA at LTFRB. Lalo itong nagpapabagal sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Maganda man ang layunin ng MMDA at LTFRB, dapat magkaroon ng bagong  negosasyon ang dalawang ahensya kasama ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Interior and Local Government (DILG). Ito ay para mapangalagaan ang business and labor industry sa bansa.

Magiging gatasan ng MMDA enforcers at mga pulis ang provincial buses kapag hindi naaksiyonan ang problema sa transportasyon. Magpapalugso ito sa commercial at labor industries. Mas delikado ito kaysa pandemya.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with