^

Punto Mo

Lalaki sa Vietnam, 2 kilo ng gintong alahas ang suot araw-araw!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 39-anyos na lalaki sa Vietnam ang pinag-uusapan ng Vietnamese netizens dahil sa kanyang obsesyon sa ginto. Dalawang kilo ng gintong alahas ang suot niya araw-araw at pati ang kanyang mga sasakyan ay gold plated!

Ang lalaki ay si Tran Duc Loi, isang businessman mula sa An Giang province. Naging viral ang kanyang mga TikTok videos at naging instant influencer siya sa kanyang lugar dahil sa pagsusuot ng dalawang kilong gintong alahas tuwing lalabas ng bahay.

Naniniwala kasi siya na kapag pinalibutan niya ang sarili ng ginto, makaka-attract ito ng suwerte sa kanya at sa kanyang business. May pet shop si Tran at sa tingin niya ay nakatulong ang pagsusuot niya ng ginto sa pag-usbong ng kanyang negosyo.

Makikita sa kanyang mga TikTok videos ang 250 gram gold necklace na hugis dragon, 10 gintong sing­sing, isang makapal na pulseras at gold plated na relo. Bukod dito, mayroon din siyang gold plated Lexus convertible at dalawang gintong motorsiklo.

Maraming TikTok followers si Tran na humahanga sa kanyang lifestyle pero marami rin ang tumutuligsa sa kanya dahil sa tingin ng iba, hindi magandang halimbawa sa kabataan ang pagpapakita sa publiko ng sobra-sobrang karangyaan lalo at panahon ng pandemya.

Pero ayon kay Tran, hindi pagyayabang ang pakay niya sa pagpo-post ng TikTok videos. Gusto lamang niyang maging inspirasyon sa iba at ipakita na ginto ang maaaring makamit sa pagiging masikap.

vuukle comment

VIETNAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with