^

Punto Mo

pinakamatandang school ng mga Santa Claus sa U.S., nakatanggap ng Guinness World Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG school sa United States na nagbibigay ng training sa mga gustong gumanap bilang Santa Claus ang binigyan ng Guinness World Records ng titulo bilang “World’s longest-running Santa Claus School”!

Itinayo noong October 1937 ang Charles W. Howard Santa Claus School sa Albion, New York. Matapos ang ilang taon, inilipat ito sa mas malaking lokasyon sa Midland Michigan.

Ang founder nito na si Charles W. Howard ay isang magsasaka at toy maker. Bago niya itinayo ang Santa Claus school, nagsimula siyang gumanap bilang Santa Claus sa mga department stores sa New York at sa Macy’s Thanksgiving Day Parade.

Ang mga itinuturo sa eskuwelahang ito ay kung paano ang tamang pagdadamit bilang Santa Claus, paano kumanta at sumayaw sa Christmas songs at ang tamang pagsakay sa sleigh.

Ayon sa dean nito na si Tom Valent, bukod sa ­pagiging longest-running Santa Claus school ang kanilang ­institusyon, maipagmamalaki rin niya na ito ang pinakamagaling sa buong mundo. Ipinapasapuso nila sa kanilang mga estudyante na isang pribilehiyo at hindi trabaho ang pagiging Santa Claus.

Bukod sa nagti-training sila sa mga gustong maging Santa Claus, tumatanggap din sila ng mga kababaihang estudyante na gustong ­maging Mrs. Claus.

 

vuukle comment

SANTA CLAUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with