^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (129)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“DATI ka raw OFW, sabi ni Mira. Totoo ba Reagan?’’ tanong ng papa ni Mira na ang pangalan ay Lincoln. Nakaupo ito sa kama at masigla na.

“Opo. Sa Riyadh po ako dati.’’

“Aba doon din ako,’’ sabi at napansin nito na nakatayo si Reagan.

“Maupo ka Reagan. Mira ipag­timpla mo ng kape si Reagan.’’

Naupo si Reagan  sa plastic na upuan.

“Naku huwag na po. Kakakain ko lang po ng almusal at nagkape na ako,’’ sabi niya.

“Ah ganun ba?’’

‘‘Maaga kasi akong bumabangon at naghahanda ng almusal.’’

“Pareho tayo. Nasanay ako na maagang buma­bangon. Pero nang nagkasakit ako, wala na. Tumamlay na.’’

“Babalik po uli ang lakas at tibay.’’

“Sana nga. Kawawa naman itong anak ko. Nag-iisang kumakayod,” sabi at tumingin kay Mira.

Nakangiti si Mira.

“Kailan ka nasa Riyadh, Reagan.’’

“Mula 1990 po hanggang 2000.’’

“Naroon ako ng panahong ‘yun. Inabot ako ng Gulf war dun. Bakit hindi tayo nagkita.’’

‘‘Baka po nagtatago ako sa bombshelter, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin ang papa ni Mira. Masaya na ito. Okey palang kausap ito, naisip ni Reagan.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with