_pang-masa
^

Punto Mo

Kadramahan ng substitution

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

POLITICAL circus, ganito inilarawan ng isang election watchdog ang naganap na substitution ng mga kandidato para sa 2022 election. Pinahihintulutan ng ating batas ang substitution kung kaya’t matagal na itong praktis, pero ayon sa Comelec, ngayon lang ito ginawa ng maraming tumatakbo sa mga pambansang pwesto. 

Ginawa ito ni Presidente Duterte noong eleksiyon ng 2016 nang pinalitan niya si Martin Diño na kandidato sa pagka-presidente. Naging mabisa ito noon, magiging mabisa rin kaya ngayon? Kabilang sa mga gumamit ng substitution ngayon ay sina: Presidente Duterte na tumatakbong senador; Senator Bong Go, sa pagka-presidente; at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-bise presidente.

Kadramahan, ito naman ang nais kong gamiting paglalarawan sa mga kaganapan tungkol sa substitution. Sobra ang hilig nating mga Pilipino sa drama na maging ang mga seryosong usapin na tulad ng eleksiyon ay dinaraan natin sa drama. 

Ang drama ay nagsimula sa Athens, Greece noong 5th century na ginagawa para sa kara­ngalan ng diyosang si Dionysus. Sa ngayon, ang mga dramang pulitikal ay ginagawa bilang handog sa altar ng kapangyarihan. May dalawang uri ng sinaunang drama: ang trahedya at komedya. Ang substitution ay pinagsamang trahedya at komedya. Ito’y isang trahedya na su­misira sa prosesong demokratiko at yumuyurak sa mga values na pinahahalagahan ng ating lahi, tulad ng palabra de honor at delikadesa. Ito’y isang komedya sapagkat ginagawa nitong katatawanan at tila circus o laro sa perya ang eleksyon. Tamang-tama rito ang slogan na, “It’s more fun in the Philippines!”    

Actors ang tawag sa mga gumaganap sa mga sinaunang drama. Sila’y nagsusuot ng maskara upang ilarawan ang tauhang kanilang ginagampanan at itago ang kanilang sarili. Ang sinusuot ng bida ay pang-bidang maskara. Ang sinusuot ng kontrabida ay pangkontrabidang maskara. Wala ring pinagkaiba ang dramang pulitikal, hindi ba? Nagsusuot din ng maskara ang mga tiwaling pulitiko upang itago ang kanilang sarili at palutangin ang magagandang katangiang makakakuha ng mga boto. Kapag may eleksyon, bigla silang nagiging makatao, maka-Diyos at makabayan.  Lahat ay madaling hingan at lapitan. 

Kailangan ay mahubaran ng maskara ang mga tiwaling pulitiko upang mahantad ang katotohanan. Mahalagang malaman natin kung ano ang tunay na pagkatao ng kandidatong ating iboboto at kung ano ang tunay niyang motibo sa pagtakbo. Para ba ito sa kapakanan ng bayan o nais lamang niyang pangalagaan ang sarili niyang kapakanan? Sabi ni Hesus, tanging ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Kapag hindi natin hinanap ang katotohanan, mananatili tayong alipin ng kasinungalingan at kasamaan. 

Huwag tayong basta maiiyak sa mga drama ng mga pulitiko o patatangay sa matatamis nilang pananalita.  Huwag nating basta tatanggaping totoo ang resulta ng mga survey at sinasabi sa social media. Maging mapanuri tayo. Pag-aralan nating mabuti ang nakaraan ng isang kandidato. Siya ba’y hindi nasangkot sa anumang katiwalian, pagsisinungaling at pagsasamantala? Siya ba’y tunay na nagmamahal sa bayan?

Ipinakikita rin ng kadramahan ng substitution ang mahina nating political party system. Puro drama lang ang mga partido pulitikal dito sa atin. Wala silang malinaw na plataporma na nagpapakita ng kanilang pagkakaiba.

Itigil na natin ang kadramahan. Simulan na natin ang pagiging totoo at makatotohanan, sapagkat ang nakataya rito ay ang buhay nating lahat bilang mga Pilipino. katatawanan at tila circus o laro sa perya ang eleksyon. Tamang-tama rito ang slogan na, “It’s more fun in the Philippines!”    

Actors ang tawag sa mga gumaganap sa mga sinaunang drama. Sila’y nagsusuot ng maskara upang ilarawan ang tauhang kanilang ginagampanan at itago ang kanilang sarili. Ang sinusuot ng bida ay pang-bidang maskara. Ang sinusuot ng kontrabida ay pangkontrabidang maskara. Wala ring pinagkaiba ang dramang pulitikal, hindi ba? Nagsusuot din ng maskara ang mga tiwaling pulitiko upang itago ang kanilang sarili at palutangin ang magagandang katangiang makakakuha ng mga boto. Kapag may eleksyon, bigla silang nagiging makatao, maka-Diyos at makabayan.  Lahat ay madaling hingan at lapitan. 

Kailangan ay mahubaran ng maskara ang mga tiwaling pulitiko upang mahantad ang katotohanan. Mahalagang malaman natin kung ano ang tunay na pagkatao ng kandidatong ating iboboto at kung ano ang tunay niyang motibo sa pagtakbo. Para ba ito sa kapakanan ng bayan o nais lamang niyang pangalagaan ang sarili niyang kapakanan? Sabi ni Hesus, tanging ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Kapag hindi natin hinanap ang katotohanan, mananatili tayong alipin ng kasinungalingan at kasamaan. 

Huwag tayong basta maiiyak sa mga drama ng mga pulitiko o patatangay sa matatamis nilang pananalita. Huwag nating basta tatanggaping totoo ang resulta ng mga survey at sinasabi sa social media. Maging mapanuri tayo. Pag-aralan nating mabuti ang nakaraan ng isang kandidato. Siya ba’y hindi nasangkot sa anumang katiwalian, pagsisinungaling at pagsasamantala? Siya ba’y tunay na nagmamahal sa bayan?

Ipinakikita rin ng kadramahan ng substitution ang mahina nating political party system. Puro drama lang ang mga partido pulitikal dito sa atin. Wala silang malinaw na plataporma na nagpapakita ng kanilang pagkakaiba.

Itigil na natin ang kadramahan. Simulan na natin ang pagi­ging totoo at makatotohanan, sapagkat ang nakataya rito ay ang buhay nating lahat bilang mga Pilipino.

ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with