_pang-masa
^

Lalaki sa U.S., nanalo ng $50,000 sa maling lotto ticket na binenta sa kanya!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MINSAN ang mga pagkakamaling nararanasan natin ang magdadala pala sa atin sa tama at masuwerteng landas.

Tulad na lamang ng naranasan ni Bryan Burton kung saan maling Lottery scratch-off ticket ang binenta sa kanya ng store clerk ng Casey’s General Store sa Joplin, Missouri.

Habang namimili sa nasabing grocery store, nakatuwaan ni Burton na bumili ng $100,000 Cash scratch-off ticket para subukan ang kanyang suwerte sa araw na iyon.

Subalit nalito ang clerk at maling scratch-off card ang binigay sa kanya.

Ayon sa pahayag ni Burton sa Missouri Lottery officials, busy at napakaraming customer sa tindahan ng oras na iyon kaya nataranta ang clerk kaya imbis na Game 313 ang ibinigay sa kanya, Game 294 ang iniabot.

Hinayaan na lamang niya ang pagkakamali at ipinagpatuloy na bilhin ang scratch-off card.

Gulat na gulat siya nang manalo ng $50,000 prize!

Sa kasalukuyan, hindi pa alam ni Burton ang gagawin sa napanalunan pero ayon sa isang interview, hahayaan niya na ang kanyang misis ang magdesisyon kung paano nila papakinabangan ang napanalunang pera.

LOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with