^

Punto Mo

EDITORYAL - Tutulan, pagtaas ng ATM fee

Pang-masa
EDITORYAL - Tutulan, pagtaas ng ATM fee

MARAMING naghihirap ang buhay ngayon dahil sa pandemya. Maraming nawalan ng trabaho. Sa report ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot na sa 133,315 na manggagawa ang nawalan ng trabaho noong Enero. Nasa 2,799 establisimiyento ang apektado at walang magawa kundi magbawas ng trabahador at ang iba naman ay tuluyan nang nagsara dahil sa pagkalugi.

Ang lahat nang ito ay dahil sa pandemya na mag-iisang taon nang nananalasa hindi lang sa Pilipinas kundi sa maraming bansa sa buong mundo. Bagsak ang ekonomiya at ayon sa mga eksperto bibilang ng taon bago ganap na makabangon kahit pa mayroon nang bakuna sa COVID-19.

Sagad na sa hirap ang nakararami sa mga Pinoy. Marami ang hindi alam kung saan kukunin ang susunod na kakainin lalo pa nga ang mga nawalan ng trabaho. Ang ibang sinuwerte na mayroon pang trabaho, binawasan naman ang kanilang sahod para hindi tuluyang magsara ang pinagtatrabahuhang kompanya.

At habang nagdaranas ng ganitong katinding paghihikahos ang mamamayan, saka naman magpapatupad ng pagtataas ng singil sa automated teller machine transactions ang Banko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sa bagong polisiya (Monetary Board Resolution 1080) ng BSP na inisyu noong nakaraang Disyem­bre 2020, magpapatupad ng P18 bawat withdrawal transaction mula sa dating P11. Magsisimula umano ang pagtataas sa Abril ng kasalukuyang taon.

Kung kailan maraming naghihirap at may pan-demya, saka naman magpapataw ng ganito kalaking dagdag sa ATM transactions ang BSP. Hindi nararapat ang ganitong paniningil na lubhang masakit sa balikat ng mamamayan. Nasaan ang puso nila?

Sa aksiyon na ito ng BSP, dapat kumilos ang mga mambabatas para mahadlangan ang pagtataas ng ATM fee. O si President Duterte dapat ang umaksiyon para maging mabilis ang desisyon na huwag payagan ang increase ng ATM fee. Maawa naman sa mahihirap na mamamayan.

vuukle comment

ATM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with