Marami pang katanungan sa Dacera case

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 13, 2021 - 12:00am

May pahiwatig na kamakalawa ang National Bureau of Investigation (NBI) na nagsabing may krimeng nangyari sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera base sa mga ebidensyang nakalap nila sa isinagawang ikalawang autopsy sa labi nito.

Encouraging leads ang terminong ginamit ni

NBI deputy director at spokesperson Ferdinand Lavin at may mga ebidensyang nakuha.  

Hindi naman nito inihayag kung ano ang mga natuklasang mga ebidensya kaya nasabing may krimen sa kaso ni Dacera dahil sasailalim pa umano ito sa  kumpirmasyon.

Pero ang talagang hinihintay dito sakali ngang may krimen na naganap eh ang may kinalaman ba ito sa kasong rape with homicide na nauna nang iniharap ng Makati City police.

Maaari rin naman ang sinasabing nakalap na ebidensya ay may kinalaman sa resulta ng isinagawang toxicology test sa katawan ni Dacera.

Sa isinagawang pangalawang autopsy sa mga labi nito, titibay na kaya ang ebidensya na hinalay ang biktima?

Kung may naganap na homicide, sa anong paraan ito masasabing biktima nang pagpatay?

‘Yan ang mga katanungan na nais na mabigyan nang kasagutan sa mas pinalalim pang imbestigasyon.

Isa pa sa hindi nabibigyang pansin ay kung bakit sa 11 sinasabing ‘suspect’ sa pagkamatay nito, hindi nababanggit o nabibigyang pansin ang mga nakasama rin sa kabilang kuwarto na kung saan makikita rin naman na nakailang ulit na nagpabalik-balik doon si Dacera.

Marami ang naghihintay sa sinasabing development sa imbestigasyon ng NBI kabilang dito  kung may lapses sa unang isinagawang imbestigasyon at iba pa na magbibigay linaw sa kaso.

Kung mayroon bang dapat na managot sa pagkamatay nito o isang kaso ng natural death.

Kung magkaganito malinaw rin na may sablay sa imbestigasyon.

Nauna nang inaminn ng NCRPO na hilaw ang mga iniharap na kaso laban sa 11 katao na nakasama ni Christine  sa naturang New Year’s Party.

Mukhang habang tumatagal nagiging kumplikado ang kasong ito, na hanggang sa ngayon nga ay marami pa ring katanungan ang  naghihintay ng kasagutan.

Patuloy tayong aantabay sa development ng mga isinasagawang imbestigasyon sa kontrobersiyal na kaso na naganap sa pagsisimula ng bagong taon.

CHRISTINE DACERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with