^

Punto Mo

Pinakamasayang paghihiwalay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Dear Ex-Wife,

Ginawa ko ang liham na ito upang ako ay magpaalam sa iyo. Sa limang taong pagsasama natin, alam kong naging mabuti akong asawa sa iyo ngunit pakiramdam ko’y ‘di mo ito pinahalagahan.

Kahapon ay tumawag ako sa iyong opisina upang anyayahan ka sa isang dinner date para personal akong magpaalam sa iyo pero sabi ng iyong best friend na officemate mo ay nag-resigned ka na raw noon pang isang araw. Dito na ako napikon. Noon ka pa pala umalis sa iyong trabaho pero ‘di mo man lang sinabi sa akin? Talagang balewala na ako sa iyo.

Noong isang araw ay ipinagluto kita ng iyong paboritong pagkain pero ‘di mo ito pinansin at sa halip ay nagbukas ka ng sardinas at ito ang iyong kinain. Masarap na binagoongang baboy ang aking niluto pero mas pinili mong kainin ang sardinas. Nang-iinis ka ba? Pakiramdam ko’y ipinamumukha mo sa akin na wala akong kuwenta.

Lalo tuloy akong nadebelop sa iyong sister na si Brigitte. Lalayuan ko na sana siya pero sa mga ginagawa mong pambabalewala sa akin, tuluyan na akong umibig sa kanya. Habang binabasa mo ang sulat na ito ay nasa malayo na kaming lugar upang magsimula ng panibagong buhay. Paalam at nawa’y makahanap ka ng lalaking magpapaligaya sa iyo. Nag-file na ako ng annulment ng ating kasal. Pupuntahan ka na lang ng ating family lawyer para papirmahan sa iyo ang mga papeles. — Ang iyong Ex-husband

Dear Ex-husband,

Hindi ko sinabi sa iyo na nag-resign na ako dahil gusto kitang sorpresahin. Tumama kasi ako ng one hundred million pesos sa lotto noong isang linggo. Plano kong mag-around the world tayo. Hindi ko sinabi sa iyo dahil gusto kong ayos na ang lahat bago ko ipagtapat ang lahat sa iyo.

Ngayon ko napagtanto kung bakit nagluto ka ng binagoongang baboy samantalang alam mong tatlong taon na akong hindi kumakain ng baboy. Ang kapatid kong si Brigitte ang may paborito ng pagkaing iyon. Nalito ka, hudas ka! Magkaganoon pa man, natutuwa pa rin ako at masosolo ko na ang pera. Hindi ka makakapaghabol na humati ng aking napanalunan dahil itong liham mo ang aking gagamiting ebidensiya na ikaw ang nang-iwan at nagtaksil.

A, siyanga pala, si Brigitte ay hindi sister kundi aking brother. Dati niyang pangalan ay Brigido. I hope hindi magiging isyu sa inyong pagmamahalan ang mga bagay na iyon. Bye!

Ang iyong Ex-Wife – Malaya na at Milyonarya

 

vuukle comment

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with