Babae, nilakbay ang buong Canada sakay ng bisikleta
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 12, 2020 - 12:00am

ISANG babaing siklista mula Vancouver, British Columbia, ang nagawang lakbayin ang kahabaan ng Canada sa loob lang ng 20 araw habang sakay ng bisikleta.

Ayon kay Bianca Hayes, nakapagtala siya ng bagong record sa 3,666-milyang paglalakbay niya sa buong Canada.

Bagama’t hindi niya raw nakuha ang pangkalahatang world record ay naitala pa rin niya ang pinakamabilis na pagbagtas sa buong Canada para sa isang babae.

Nasa 15 hanggang 20 bisikleta ang nagamit ni Hayes sa kanyang paglalakbay at ayon sa kanya muli niyang susubukin na makuha ang pangkalahatang world record.

Inaasahan niyang mas mapaghahandaan na niya ang sunod niyang world record at mapapababa niya sa 15 araw ang kabuuang paglalakbay niya sa Canada, na kasalukuyang world record.

CANADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with