^

Punto Mo

Genius

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY mag-asawang 10 taon nang nagsasama ngunit hindi pa rin magkaanak. Pagsapit ng ika-11 taon nilang pagsasama, ang babae ay nabuntis. Pagkaraan ng siyam na buwang makapigil hiningang pagdadalantao, ang munting anghel ng mag-asawa ay iniluwal.

Ang bata ay pinangalanan nilang Mary. Naging paraiso ang tahanan ng mag-asawa dahil kay Mary. Nag-resign sa trabaho ang babae para lamang mag-concentrate siya sa pagpapalaki sa anak.

Isang araw habang abala sa pagluluto ang ina, hindi niya napansin na si Mary ay wala na sa kanyang tabi. Saglit niyang nakalimutan ang anak dahil nasunog ang manok na niluluto niya sa oven. Ang bata ay dalawang taon na at napakalikot. Gustung-gusto nito na maglibot sa buong bahay at pakialaman ang anumang bagay na maabot niya o mahawakan.

Bago umalis si Mister papuntang trabaho ay uminom ito ng gamot ngunit hindi nito naibalik sa medicine cabinet ang bote. Nakita ito ng bata na nakalagay sa mesita, kinalug-kalog ito hanggang sa mabuksan ang takip na sa kasamaang palad ay hindi naisara nang mahigpit.

Tumapon sa sahig ang maliliit na pills at isa-isa itong isinubo ng bata. Ang gamot ay pangmatanda na kapag kinain ng bata ay magiging lason ito sa kanya. Nangingisay na ang bata nang matagpuan ito ng ina. Patay na ang bata nang dumating ang ama sa ospital.

Magkahalong kalungkutan, guilt at takot sa asawa ang nararamdaman ng babae kaya nanga­ngatal ang buo nitong katawan habang umiiyak nang magkaharap silang mag-asawa. Inaasahan niyang sisigawan siya, mumurahin at sasampalin ng asawa. Anong gulat ng babae nang niyakap siya ng asawa at buong pagsuyong ibinulong sa kanya:

“Tahan na. I love you. Aksidente ang nangyari. Walang may kasalanan.”

Patay na ang anak nila. Kahit sisihin ng lalaki ang kanyang asawa ay hindi na mabubuhay ang kanilang anak. Kaya sa halip manisi, pinakalma pa niya ang asawa upang mabawasan ang nada­ramang bigat ng kalooban. Naging “genius” ang lalaki sa pagharap sa napakabigat na sitwasyon.

Kung magpapaka-genius lang tayo sa pagharap sa mga negatibong pangyayari, anong ligaya sanang  mabuhay sa mundong ito!

vuukle comment

GENIUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with