Magbantay, magmatyag, maging alerto sa pamamahagi ng ayuda
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 30, 2020 - 12:00am

MARAMI ang nagtatanong, bakit hindi sila nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno lalo na ang Social Amelioration Prog­ram (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maging kami sa BITAG ay pinuputakti ng sumbong hinggil­ sa SAP. Ang pinaka-kontrobersiyal ay itong sa munisipyo ng Tingloy na kinanya at binago ang sistema ng DSWD-SAP ng kanilang ABC President.

May itinalang mga kwalipikasyon ang DSWD sa programang ito. Malinaw ang kanilang regulasyon­. Pero, may ilan talagang ipinagpipilitan na sila ay kabilang sa mga benepisyaryo. 

Maaaring hindi malinaw sa ilan, na ang mga naka-empleyo, sa Department of Labor and Employment­ (DOLE) sa programa nitong COVID-19 Adjustment Measures Program at Social Security System wage subsidy, manggagaling ang ayuda.

Ang siste, maraming kompanya ang mga hindi nagbayad ng tamang mandatoryo at buwis ng kanilang mga empleyado. Kaya ang resulta, hindi nabigyan ng ayuda ang mga manggagawang may pasaway na employer.

Kung tutuusin, kasama sa DSWD-SAP ang mga manggagawang hindi nabigyan ng ayuda ng DOLE at SSS. Ang problema, may pagkukulang, kapalpakan at iregularidad ang DSWD.

Kung ano man ang kalokohang ito, hindi magtatagal ay mananagot sila dahil sa isasagawang audit at report ng gobyerno. Isa na rito ang sa Tingloy na kasalukuyang isinampa na ang kaso sa PNP-CIDG ng tanggapan ni DILG Usec. Martin Dino. Kuwidaw,  nakatutok kami sa kasong ito.

Eto ngayon sa 2nd tranche ng DSWD-SAP, kinakailangang maging listo. Sa public address noong Huwebes ng gabi ng Presidente, nilinaw ng DILG na digital o electronic na ang pamamahagi ng SAP. Wala nang magaganap na dagdag-bawas.

Sa mga lugar na hindi pa posible ang electronic payment, tutulong na ang militar at mga pulis sa pamamahagi. May bagong limang milyong benepisyaryo na makakatanggap ng ayudang ito.

Magmatyag, magbantay, maging alerto. Ireport sa BITAG ang anumang iregularidad na mapapansin sa pamamahagi ng ayudang ito.

Katuwang kami ng gobyerno sa labang ito. Sinong susunod sa ABC President ng Tingloy, Batangas na malalantad ang kalokohan?!

SOCIAL AMELIORATION PROG­RAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with