Lalaki sa Taiwan na sumuway sa quarantine, pinagmulta ng 1-milyong Taiwan dollar!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

MALAKI ang pinagbayaran ng isang lalaki sa Taiwan matapos niyang labagin ang kanyang quarantine at mag-party sa isang night club sa Taipei.

Pinatawan ng 1-milyong Taiwan dollar ang lalaki (katumbas ng P1.7 milyon) matapos siyang mahuli ng mga awtoridad na nagpa-party sa isang night club sa Taipei.

Dahil kagagaling lang sa Southeast Asia, kailangan ng lalaking mag-self quarantine ng dalawang linggo.

Ang maximum na multa ang ipinataw sa lalaki matapos ipinagpalagay ng mga kinauukulan na malisyoso ang ginawa niyang paglabas ng bahay at pagpa-party sa kabila ng kanyang quarantine.

Hindi raw nila pagbibigyan at lalong hindi sila maaawa sa mga hindi susunod sa quarantine, ang pahayag ng bagong mayor ng Taipei na si Hou Yu-ih.

Nagsisilbing magandang halimbawa ang naging pag­responde ng Taiwan sa epidemya ng coronavirus. Maagang nagpataw ng travel ban ang Taiwan sa China at agad nitong in-activate ang kanilang epidemic control center bago pa man isinailalim sa lockdown ang Wuhan noong Enero.

Sa kasalukuyan, wala pa sa 300 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taiwan.

TAIWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with