^

Punto Mo

Ang anak ng taxi driver

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 12 taong gulang pa lang si Sheldon Adelson, nanghiram siya ng pera sa kanyang tiyuhin para ipampuhunan ng diyaryong kanyang ititinda. Taxi driver lang kasi ang kanyang ama at nakatira sa isang lugar ng mahihirap sa Boston.

Hindi siya binigo ng tiyuhin. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng sariling newsstand si Sheldon. Noon niya unang natikman kung paano maging “negosyante”.

Mas malaki ang kanyang kinikita kumpara noong wala siyang sariling puwesto at inilalako lamang ang diyaryo.

Nag-aral siya sa kolehiyo pero hindi nakatapos dahil nalibang na sa pagtitinda ng kung anu-ano.

Sa pagtitiyaga, kasama na ang “passion” sa pagnenegosyo, si Sheldon Adelson ay nakapagpatayo ng Sands and Hotel Casino sa Las Vegas.

Upang baguhin ang mukha ng Las Vegas bilang lugar ng sugalan, nagtayo siya rito ng Sands Expo and Convention Center. Ito raw ang kaisa-isang privately owned and operated convention center sa United States.

Pag-aari rin niya ang Venetian Las Vegas, the Palazzo Las Vegas, the Sands Macau, the Marina Bay Sands in Singapore, the Sands Bethlehem, at marami pang iba.

Pero sinasabing ang nagpayaman sa kanya ay ang casino sa Macau. Ang net worth niya as of 2020 ayon sa Forbes ay 33.5 billion USD.

vuukle comment

TAXI DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with