^

Punto Mo

Lalaki sa Croatia, naglakad ng 100 metro sa ilalim ng tubig para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Croatia ang nagawang makapaglakad ng 100 metro sa ilalim ng tubig upang makapagtala ng bagong world record.

Ang 23-anyos na si Boris Milosic ang kauna-unahang tao na nakapaglakad ng 100 meters kaya naman pasok na ang pangalan niya sa Guinness Book of World Records.

Nahigitan niya ang dating world record na nasa 80 metro. Ayon kay Milosic, higit na mahirap ang paglalakad sa ilalim ng tubig kumpara sa paglangoy lalo na’t kailangang nakalapat palagi ang isa niyang paa sa sahig ng pool upang hindi ma-disqualify ang kanyang world record attempt.

Kailangan din niyang mag-ingat sa paglalakad dahil baka tuluyan siyang lumutang pataas kung padalus-dalos ang kanyang magiging mga galaw.

Sunod namang target ngayon ni Milosic ang makapaglakad sa ilalim ng tubig ng kaparehong distansiya ngunit sa loob lamang ng apat na minuto.

 

vuukle comment

WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with