^

Punto Mo

Sugar Mommy (221)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ALAM ni Jericho na mali itong ginagawa niya na pagsubaybay o pagmamanman kay Jane. Puwede namang magpakita siya kay Jane at tapos na ang kanyang pagpapakahirap. Kung talagang mahal niya si Jane, lumantad siya at sabihin iyon nang harapan. Hindi na niya kailangan pang magtago at manubok na kung mayroong makakita ay aakalain siyang magnanakaw.

Pero nanaig kay Jericho ang unang plano na susubaybayan si Jane para alamin kung ano ba talaga ang dahilan at pinutol ang pakikipag-communicate sa kanya. Noong una ay sinabi nitong sa Australia na titira pero hindi naman pala at inilihim ang pagtira rito sa Pinamalayan. Kung hindi pa siya nagtungo sa bahay nito sa Project 6 at naging kaibigan ang caretaker na si Manong Sixto ay hindi niya malalaman na narito na pala sa Pilipinas si Jane at dito na nga naninirahan. Ayaw ipagsabi ni Jane ang kinaroroonan. Iyon ang gusto niyang tuklasin ngayon. Gusto rin niyang malaman kung may pagtingin pa sa kanya si Jane. Kung wala na, okey lang. Isa pa, may pangako siya sa namayapang asawa na si Maia na hindi na muling iibig pa.

Nagkubli si Jericho sa ma­laking puno ng banaba na ilang metro ang layo sa kubo. Malago ang mga halaman sa dakong iyon kaya hindi siya mapapansin. Sa dakong kanan niya ay ang malinaw na sapa.

Makalipas ang kalahating oras ay hindi pa lumalabas si Jane.

Naghintay pa siya.

Bakit kaya hindi pa luma­labas si Jane?

Baka may mahalagang ginagawa sa loob?

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with