EDITORYAL – Hulihin at parusahan mga nagsusulat sa pader
(Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

MALINIS na ang Lawton underpass. Bagong pintura ang pader at makintab ang tiles. Kaaya-ayang dumaan doon. Iprinisenta ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong nakaraang linggo ang bagong underpass. Ipinagmalaki niya na pinagtulungan itong linisin ng mga empleyado ng city hall at ng engineering office. Pinagtiyagaang bugahan ng tubig ang malbag na pader at flooring para masiyahan ang sinumang dadaan. Karaniwang mga estudyante at empleyado ang nagdadaan sa underpass.

Pero makalipas ang isang linggo, ang malinis na pader ay biglang naging marusing na naman. Ang dating makintab na tiles ay naging marumi na naman dahil sa vandalism. Maraming sulat ang pader. Pulang pintura ang ginamit sa pagsusulat.

Mababasa ang mga nakasulat: PRESYO, IBABA, SAHOD ITAAS; DIGMAANG BAYAN, SAGOT SA MARTIAL LAW; ATIN ANG PINAS, CHINA LAYAS!’’

Halatang ang nagsulat ay mga makakaliwa base sa mensahe at sa kulay ng pintura na ginamit. Paglaban sa gobyerno ang mensahe at gusto’y magkaroon ng pagbabago.

Hindi lamang sa underpass makikita ang mga katulad na sulat kundi pati na rin sa Quezon Bridge. Bagong pintura rin ang tulay pero sinulatan ng pula. Napakapangit tingnan. Napakarumi.

Makikita rin ang mga sulat sa pader sa kahabaan ng A. Bonifacio Ave. Mga sulat na hindi maintindihan ang kahulugan. Mayroon ding mga sulat sa footbridge at iba pang istruktura.

Sabi ni Mayor Isko, kapag nahuli niya ang mga nagsusulat sa pader sa Maynila, ipadidila niya sa mga ito ang sinulat. Tama na ganito ang gawin. Nararapat kumilos ang barangay para mahuli ang mga vandals. Parusahan sila.

LAWTON UNDERPASS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with