Solusyon, rekomendasyon sa mga rebelasyon,inaantabayanan!
RESPONDE - Gus Abelgas (Philstar.com) - October 9, 2019 - 12:00am

Kaabang-abang ang isasagawang hearing ngayong araw na ito sa Senado.

Nagpauna na si Senate President Tito Sotto na may ‘pasabog’ muli na inaasahan sa pagpapatuloy ng pagdinig sa mga kontrobersiyang naganap sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), mga for-sale sa Bilibid na humantong na rin sa isyu ng drug recycling at ‘agaw-bato’ scheme ng mga tinaguriang ‘ninja cops’.

Marami na ang nabunyag sa mga naganap na hearing na hindi maitatatwa na lubhang nakaapekto sa Bureau of Correction at maging sa PNP command.

Talaga namang matitindi ang mga rebelasyon ng mga testigo at mga nakalap na ebidensya ng senado.

May mga bagong testigo at mga bagong ebidensiya ang ihaharap ngayon sa pagdinig na mas magbubulatlat umano sa katotohanan.

Hindi nga lang malaman kung ito na ang huling pagdinig kumporme sa magiging desisyon ng komite ni Senador Richard Gordon.

Kung mangyayaring ang ngayong pagdinig na ang huli, ang susunod namang inaasahan ng ating mga kababayan ay ang ilalabas nilang resulta sa imbestigasyon.

Hindi lang dyan natatapos, dahil aabangan din maging ang mga rekomendasyon ng mga mambabatas.

Isama na rin ang mga batas na dapat likhain o i-amend para hindi na maulit ang ganitong mga iregularidad at katiwalian sa hinaharap.

Aantabay pa tayo sa mga sinasabing rebelasyon ngayon, pero ang hangad na rin nating matapos na ito at maka-move on na ang lahat.

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with