^

Punto Mo

Isolated case nga lang ba ang nangyari kay Dormitorio?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nawawalang combat shoes daw ang dahilan kaya pinarusahan nang bugbog ang nasawing kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio.

Napakababaw na dahilan nito, biruin mong dahil lang sa bota buhay ang naging kapalit.

Hindi talaga ito katanggap-tanggap at ang nakikita rito, ito na lamang ang sinasabing dahilan para palabasin na napag-initan lang si Dormitorio kaya ito binugbog at sinaktan.

Hindi rin kumbinsido ang marami nating kababayan na isolated case ang nangyari.

Mas pinaniniwalaan nila na regular o tradisyunal o kultura na ang hazing sa nasabing academy.

Lalu pa nga’t may pag-amin na ang ilang mga alumni dito na dumanas din nang pagpapahirap.

Ipagpalagay nang si Dormitorio nga ay pinag-initan dahil sa nawawalang combat shoes na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang superior, eh bakit may ilan pa ring mga kaklase nito ang nasa pagamutan ngayon sa hinalang dumanas din sa pahirap.

Puro sa sikmura o pananakit sa bahagi ng tiyan ang idinadaing ng mga ito.

Ibig bang sabihin ay may kinalaman din sila sa nawawalang combat shoes?

Posibleng mas matindi nga lang ang dinanas ni Darwin dahil sa anak siya ng dating opisyal ng military na graduate din sa PMA at sinasabing ang ina nito ay kaanak naman ng maybahay ng kasalukuyang DILG chief.

Ngayong may itinalaga nang mga bagong opisyal sa academy kapalit ng mga nagbitiw na mataas na mga opisyal dahil nga sa isyu ng hazing, sana ay tuluyan nang mabantayan ang ganitong mga sakitan.

Hindi matatapos ang gantihan kung hindi ito tuluyang masasawata. Posible ring hindi si Dormitorio ang huling magbuwis ng buhay kung patuloy na magaganap ang hazing.

vuukle comment

DARWIN DORMITORIO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with