^

Punto Mo

Divorce sa ibang bansa, kailangan pang idaan sa korte para kilalanin sa Pilipinas

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Matagal na akong hiniwalayan ng asawa kong foreigner at nakakuha na siya ng divorce decree dito sa Japan. Ako naman ay may nakilala ng kapwa Pinoy at may plano na kaming magpakasal kapag umuwi ng Pilipinas. Gusto ko lang sanang siguraduhin, Attorney, na wala nang hadlang sa muli kong pagpapakasal.

Mylene

Dear Mylene,

Bagamat walang diborsiyo sa ilalim ng ating batas, nakasaad naman sa Article 26 ng ating Family Code na kapag ang isang banyagang kasal sa isang Pilipino ay nakakuha ng divorce decree na nagbibigay sa kanya ng kakayahang magpakasal muli, ang Pilipino ay makikinabang din sa nasabing divorce decree at magkakaroon din siya ng kakayahang makapagpakasal muli sa ilalim ng ating batas.

Ngunit hindi sapat ang pagkakaroon ng divorce decree mula sa ibang bansa upang makapagpakasal ka na muli rito sa Pilipinas. Bagama’t hindi mo na kailangang magsampa ng kaso para sa annulment, kailangan mo namang magsampa ng petisyon sa korte para kilalanin dito ang divorce decree na nakuha ng iyong dating asawa sa ibang bansa. Kailangan mo ring ipresenta ang batas ukol sa diborsiyo ng nasabing bansa bilang patunay na naaayon sa batas doon ang divorce decree na layon mong kilalanin dito sa Pilipinas.

Matapos n’yong mapatunayan ang lahat ng ito ay saka lamang maaring magbaba ng desisyon ang korte na kumikilala sa divorce decree na inisyu sa ibang bansa. Sa punto lamang na iyon maaring mag-asawang muli ang Pilipinong dating kasal sa banyaga.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong nakasaad dito ay base lamang sa mga impormasyong inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with