^

Punto Mo

French bulldog, nakaligtas matapos mahulog mula sa bubong ng 6-storey building

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG French bulldog na nagngangalang Wins­ton ang nakaligtas sa pagkakahulog mula sa bubong ng isang anim na palapag na Manhattan apartment building matapos bumagsak sa sunroof ng kotseng nakaparada.

Ayon sa social media post ng mga nakasaksi sa insidente, narinig nila ang pagkabasag ng sunroof ng kotse bago nila makita si Winston na nakaupo sa loob nito.

Ayon sa amo ni Winston, umakyat sa hagdanan ng kanilang apartment ang aso at dumaan sa isang access door na naiwang nakabukas bago nagtuluy-tuloy sa gilid ng bubong ng building hanggang sa nahulog.

Masasabing himala ang pagkakaligtas kay Winston, na bagama’t nagtamo ng ilang pasa at galos ay hindi nabalian ng kahit isang buto sa insidente.

vuukle comment

FRENCH BULLDOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with