^

Punto Mo

Health Tricks and Tips (Part I)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Sikaping ang oras ng pagkain ng almusal, tanghalian at hapunan ay gawin sa nagkakaisang schedule araw-araw. Nakakataas ng stress hormone ang pabago-bagong oras ng pagkain. Pati ang iyong gana sa pagtatrabaho ay naaapektuhan.

Kung magbibiyahe at magpa-pack ng damit, ipatong ang maleta sa ibabaw ng kama upang hindi mo na kailangang yumuko at mahirapan ang iyong gulugod. Ang sobrang pagyuko nang mahabang oras ay nagreresulta ng back pain.

Magbasa para malibang. Mas mataas ang natatanggal na stress hormone, 68 percent, kapag nagbasa ng 6 minutes, kaysa makinig ng music o maglaro ng video games.

Magmura para mabawasan ang physical pain na nadarama. Ito ang napatunayan ng British researchers sa kanilang experiments.

Kapag nagtitimpla ng tsaa, ibabad ang tea bag sa mainit na tubig ng hindi bababa sa 5 minutes. Mas matagal ang babad, mas maraming anti-oxidants ang nahihithit ng tubig.

Kung ang iyong trabaho ay mas matagal ang iniuupo kaysa itinatayo, gumawa ka ng paraang makatayo at maglakad kahit man lang ilang minuto kada 30 minutes. Ang resulta ng laging nakaupo ay pagtaas ng bad cholesterol at pagbaba ng good cholestrerol upang maging candidate sa heart attack at stroke.

Bawasan ang pagkain ng karne. Kasinglaki ng deck of card ang ideyal na laki ng karne na dapat kainin sa loob ng isang araw.

Pagpilitang magluto ng inyong pagkain kaysa bumili nito sa labas. Base sa pagsasaliksik ng Public Health Nutrition, USA, ang mga taong ang kinakain ay niluluto sa bahay ay mas nadadagdagan ng 10 taon ang buhay kaysa mga taong sa labas lagi kumakain o bili sa restaurant ang kinakain.

HEALTH TRICKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with