^

Punto Mo

‘Natutulog sa pansitan’ na barangay officials, sampolan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa 1,000 barangay officials ang ipatatawag at pagpapaliwanagin ng DILG dahil sa kabiguang ipatupad ang environmental laws sa lugar na kanilang nasasakupan partikular sa watershed areas kaugnay ng rehabilitasyon sa Manila Bay.

Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 5,000 mga barangay na ayon nga kay DILG Undersecretary for Barangay Operations Martin Diño.

Nakapaloob kasi sa MO No. 2019-09, inatasan ng DILG ang nasa 178 local government units at 5, 714 mga barangay sa Manila Bay watershed area para magsagawa ng lingguhang clean-up drive na pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Diño na sinumang mabigong makapagsumite ng lingguhang report ay mananagot.

Libo pang barangay o barangay officials ang tila winawalang-bahala ang naturang kautusan kaya target sila ngayon ng matinding pagpapaliwanag na dapat naman ay may kaakibat na kaparusahan.

Mistulang hindi kasi binibigyang halaga ng mga opisyal sa barangay ang naturang kautusan at walang pakiaalam sa kalikasan, walang pagkilos sa maraming bagay.

Naku, mukhang ngayon lang napapansin ng DILG na talagang maraming pabayang barangay officials.

Kasi nga wala yatang nasasampolan.

Eto pa, kung ngayon hindi pa ramdam ang matitinding pagbaha dahil medyo malayo pa ang tag-ulan, na dapat sana ngayon pa lang ay nagiging regular na ang paglilinis sa maraming creek sa Metro Manila na dahilan nang madalas na pagbaha.

Noon pa man, may bababala na ang MMDA sa mga barangay officials na hindi tutugon sa pag-aalis ng mga basura sa mga creek sa kanilang nasasakupan na pwedeng kasuhan.

Tila wala namang nasampolan man lang, kaya ngayon kung iikutin lang ang mga creek sa Metro Manila na lamang, tambak na ang mga nakabarang   basura.

Hindi pa napapansin ngayon, kasi panahon ng tag-init , malabong bumaha pero pagnandyan na ang tag -ulan doon magkukumahog na ayusin ang mga daluyan ng tubig.

Nakakapikon talaga, dahil kung ang ganitong simpleng mga tungkulin hindi natutugunan paano na ang iba pa.

Dapat may ngipin ang DILG na gisahin ang ‘natutulog sa pansitan’ na mga barangay officials.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with