^

Punto Mo

‘Baklasan’ sana hindi simula lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Umarangkada na kahapon ang inilunsad na ‘Operation Baklas’ ng mga ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Commission on Elections (Comelec) laban sa mga campaign materials ng mga kandidatong ipinaskil sa hindi tamang lugar.

Bandang Maynila at Pasay ang tinarget kahapon ng grupo, kung saan sangkaterbang mga poster at streamer ng iba’t ibang kandidato ang nasamsam.

Karamihan sa mga binaklas na campaign materials ay nakakabit sa mga poste at kawad ng kuryente, sa mga puno, pader ng mga pampublikong establisimento at sa kung saan-saan pa.

Meron naman na nasa common poster area o yung lugar na inilaan para talaga sa campaign materials, pero ang nakita namang paglabag, aba’y hindi nagpahuli ang ilan sa kanilang mga kalaban.

Sa itinakdang laki ng campaign poster, siyempre lalamang ang pasaway at kailangang mas malaki kahit kaunti ang sa kanya.

Kampanya pa lang sa nasyunal na posisyon o pagka-senador at partylist ang nasisimulan, wala pa ang kampanya para sa lokal na mga posisyon.

Siguradong sa pagsisimula ng kampanya ng mga ito ngayong Marso, mas lalong magdidilim ang paligid.

Huwag naman sanang, pagdiskitahan pa ang mga kawad ng kuryente na lagyan ng kanilang posters at banner dahil baka ito pa ang pagsimulan ng sunog.

Karamihan kasi sa nakikita ngayon, namumutakti ang mukha ng kandidato ang nakabitin sa mga kawad.

Ang tanong ngayon hanggang kailan kaya maisasagawa ng Comelec at mga katuwang pa nilang ahensya ang ganitong mga pagbabaklas.

Hindi kaya sa simula lang ito at magsawa rin sila.

Matagal-tagal pa bago matapos ang kampanya, tumagal kaya sila sa maraming mga pasaway.

Sana ay hindi ito ningas-kugon lang.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with