^

Punto Mo

Utol (114)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nakatingin si Gemo sa mag-utol ay nakadarama siya ng kasiyahan. Ang akala niya, hindi na magbabago si Xander. Mali pala ang akala niya, kapag pala ang kadugo na ang sangkot ay lumalambot din si Xander. Kahit pala bakal ang puso nito ay nalulusaw din. Hindi talaga niya akalain na tutulungan ni Xander ang kapatid sa pakikipaglaban sa mga siga. Akala niya, pababayaan na itong gulpihin hanggang sa mamatay. Yun pala, mauuna pa ito sa kanya para saklolohan ang utol. Ang sarap tingnan ng magkapatid na nagkakaunawaan.

Maya-maya biglang tinapik ni Gerald ang balikat ni Gemo.

Nagulat si Gemo.

“Ikaw na ang bahala sa bahay namin ni Xander, Gemo. Ipagsasama ko na siya sa aming probinsiya para makita naman niya ang kanyang ari-arian dun. Maaaring magtagal si Xander dun dahil siya na ang pamamahalain ko ng mga ari-arian.’’

“Walang problema, Sir Gerald. Ako po ang bahala sa bahay mo at sa bahay ni Sir Xander.’’

“Huwag kang mag-alala, Gemo at pasusuwelduhin na kita bago kami umalis.’’

“Salamat po Sir Gerald.’’

“Aba ako na ang magbabayad sa kanya, Utol,’’ sabi ni Xander.

“Ako na lang Xander. Sa sunod na lang ikaw.’’

“Sige Utol.’’

“Lagi kitang kokontakin, Gemo para nalalaman ko ang kalagayan mo rito. Kung mayroon kang kailangan, mag-text ka lang o tumawag sa akin.’’

“Opo Sir Gerald.’’

“Sabik na akong maisama si Xander sa aming probinsiya. Ipakikita ko sa kanya kung gaano kalawak ang naiwan sa amin ni Papa.’’

“Sana Sir Gerald, maisama mo ako sa inyong probinsiya. Sabik din akong makarating sa probinsiya, Sir. Wala kasi kaming probinsiya.’’
“Hayaan mo at pagbalik namin, kasama ka na. Magdadala na kami ng sasakyan para wala tayong problema sa pag-uwi.’’

“Sige Sir Gerald. Ako na lang ang drayber n’yo. Magaling akong drayber.’’

“Okey, aprub!’’

KINABUKASAN, maagang naghanda sina Gerald at Xander sa pag-uwi sa probinsiya.

Inihatid sila ni Gemo sa bus station.

“Excited na akong makarating sa probinsiya, Utol.’’

“Masisiyahan ka kapag nakarating dun.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with