Pinagdugtung-dugtong na sanitary napkins, umabot ng higit isang kilometro ang haba
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 14, 2019 - 12:00am

NAGTALA ng bagong Guinness World Record ang mga kalahok sa isang medical congress sa India matapos nilang pagdugtung-dugtongin ang pina­kamahabang linya ng sanitary napkins sa buong mundo, sa layuning maipalaganap ang kaalaman ukol sa menstrual hygiene.

Inabot ng pito’t kalahating oras ang 500 kalahok ng 62nd All India Congress of Obstetrics and Gynae­cology (AICOG) upang ilatag at isa-isang pagdugtung-dugtongin ang 10,105 sanitary pads sa isang linya na umabot ng 1,078 metro ang haba.

Kinumpirma ng mga opisyal ng Guinness na bagong world record ang naitala ng mga taga-Bangalore, na bumuo rin ng imahe ng uterus mula sa mga sanitary napkins kasama ng mga katagang “Nothing’s more cuterus than your uterus”.

Mahalaga ang usapin ng mens­trual hygiene sa India lalo na’t ayon sa isang pag-aaral ng UNICEF ay tinatayang nasa ikatlo sa mga kababaihang mag-aaral sa India ang hindi nakakapasok sa eskuwela kapag sila ay may regla.

SANITARY NAPKINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with