^

Punto Mo

EDITORYAL - Umubra kaya si Faeldon sa Bureau of Corrections?

Pang-masa
EDITORYAL - Umubra kaya si Faeldon sa Bureau of Corrections?

NANUMPA na si Nicanor Faeldon bilang bagong director general ng Bureau of Corrections (BuCor). Noong nakaraang buwan pa inihayag ni President Duterte na ilalagay niya si Faeldon sa BuCor, kapalit ni Ronald dela Rosa na nagbitiw para tumakbo sa 2019 elections. Pero hindi nagpakita si Faeldon. Maski sa dati niyang puwesto sa Office of Civil Defense sa Camp Aguinaldo kung saan siya pinuwesto ng Presidente makaraang magbitiw sa Customs ay hindi siya mahagilap. May nagsabi na tatakbo raw itong governor sa Oriental Mindoro. Pero sabi naman ng tagapagsalita ni Faeldon, wala pa raw appointment paper kay Faeldon kaya hindi siya nagpapakita.

 

Noong Nobyembre 19, pormal nang itinalaga ng Presidente si Faeldon at noong Miyerkules, nanumpa na siya kay Justice Secretary Menardo Guevarra. Ang BuCor ay nasa ilalim ng DOJ. Ang pangangasiwa sa New Bilibid Prisons (NBP) ang pinakamabigat na tungkulin na nakaatang sa pinuno ng BuCor. Marami nang naging BuCor director pero walang masasabing naresolba ang mga bumabalot na problema sa NBP. Lahat ay nabigong baguhin ang pambansang bilangguan. Si Dela Rosa sana ang inaasahang magsasagawa ng reporma sa NBP pero nagpasyang magbitiw para pasukin ang pulitika.

Isa sa malaking problema ng NBP na nararapat lutasin ni Faeldon ay ang patuloy na illegal drug business sa loob. Maraming high profile drug lord ang nasa loob at kaya nilang paikutin ang mga opisyal at tauhan sa pamamagitan ng pera. Patuloy ang drug transactions kahit pa mahigpit ang pagbabantay.

Umubra  kaya si Faeldon sa BuCor?  Harinawa. Matagal nang naghahanap ang BuCor ng tapat na opisyal. Sana si Faeldon na nga ito.

vuukle comment

NICANOR FAELDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with