^

Punto Mo

Bag na maaring kainin, naimbento sa Ukraine

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAIMBENTO ang mga Ukrainian scientists ng isang klase ng eco-friendly bag na mabilis mabulok, hindi nakakapaminsala sa kapaligiran, at higit sa lahat ay maaring kainin kung gustuhin man ng gumagamit nito.

Nadiskubre ni Dr. Dmytro Bidyuk at ng kanyang mga kasamahan ang kakaibang materyal nang paghaluin nila ang natural proteins at starches sa kanilang laboratoryo sa National Agrarian University ng Sumy, northeastern Ukraine.

Hindi raw katulad ng plastic bags na aabutin ng daan-daang taon bago mag-decompose ay 21 araw lang ang itatagal ng kanilang naimbentong materyales bago ito mabulok. Maari rin itong kainin at malapit daw ang lasa nito sa noodles.

Excited naman ang mga Ukrainian environmental campaigners sa bagong tuklas na materyales at pinag-aaralan na nila ang maaring maging gamit nito bilang fertilizer sa mga landfill sites na maaring taniman ng mga puno. Kaya naman hinihimok nila ang mga kinauukulan sa Ukraine na suportahan ang imbensiyon upang mapalaganap ang paggamit nito.

Sa ngayon, nakikipag-usap na ang grupo ni Dr. Bidyuk sa mga banyagang mamumuhunan upang mapondohan ang mga karagdagang pag-aaral na kanilang isasagawa ukol sa kanilang bagong tuklas na materyal.

vuukle comment

UKRAINIAN SCIENTISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with