^

Punto Mo

Magsasakang nangarap maging piloto, bumuo ng sariling eroplano

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TANGGAP na ng isang magsasaka sa China na hindi na matutupad ang pangarap niyang maging piloto kaya nagkasya na lang siya sa pagbuo ng sarili niyang eroplano.

Malapit nang mabuo ang full-scale replica ng isang Airbus A320 na itinayo ng magsasakang si Zhu Yue sa isang maikling tarmac na napapaligiran ng mga bukirin sa north-east China.

Hindi nakatapos ng pag-aaral si Zhu at maaga siyang nagsimula sa paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng bawang at sibuyas bago siya lumipat sa pagtatrabaho bilang welder sa isang pabrika.

Noong isang taon ay napagtanto niyang hindi na matutupad ang pangarap niyang makapag-piloto dahil sa kanyang edad kaya minabuti na lang niyang bumuo ng sarili niyang eroplano.

Ginastos niya ang ipon niyang 2.6 million yuan (katumbas ng 20 milyong piso) para sa proyekto na nagsimula lang sa isang maliit na laruang eroplano.

Pinag-aralan niya ang mga larawan ng Airbus A320 sa Internet, at sa kabila ng ilang mga pagkakamali ay nagawa niyang buuin ang fuselage cockpit, engines at buntot ng eroplano. Sa kabuuan ay gumamit si Zhu ng 60 tonelada ng bakal.

Limang kapwa niyang mahilig din sa eroplano  ang tumulong kay Zhu sa pagkumpleto sa proyekto.

Wala namang balak si Zhu na paliparin ang eroplanong kanyang binuo dahil plano niyang gawin itong restaurant.

Ngayong tapos na ang proyekto ay sa iba na nakapokus ang atensyon ni Zhu: kung American fastfood o tradisyunal na Chinese food ang ihahain sa restaurant na kanyang bubuksan.

AIRBUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with