^

Punto Mo

Delivery boy, panalo ng $180,000 sa kaso matapos madaganan ng 400 pounds na keso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINAILANGANG magbayad ng isang kompanya ng pizza ng $180,000 (P9,306,900) sa isa sa mga dating empleyado nito na nadaganan ng keso.

Nagbababa ng mga kahon ng keso ang 55 anyos na residente ng Meriden, na si Mohammed Hassan nang dumulas ito mula sa kanyang gamit na hand truck dahilan upang madaganan siya ng 400 pounds na keso.

Sanhi ng pagkakadagan sa kanya ng sangkatutak na keso ay nagtamo si Hassan ng pinsala sa kanyang alak-alakan, tuhod, at likuran, dahilan upang siya ay mapilay at hindi na makapagtrabaho simula noong nangyari ang aksidente noong June 2016.

Tatlong doktor ang sumuri kay Hassan, na kinailangan pang dumalo ng ilang hearings sa korte bago nakipag-areglo sa kanya ang pizza company.

Nakipagtawaran pa sa kanya ang kompanya, na nag-alok lamang ng $100,000 na daños na higit na mas mababa sa hinihingi niyang $325,000. Sa huli ay pumayag na rin si Hassan sa $180,000 na bayad.

Ayon sa abogado ni Hassan ay sapat na raw ang nasabing halaga para makapagsimula muli ang kanyang kliyente matapos ang aksidenteng kinasangkutan nito na sanhi ng keso.

vuukle comment

PIZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with