^

Punto Mo

Isla Paraiso (137)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BALAK ko Lolo, ang una kong isusulat sa diyaryong pagtatrabahuhan ko, ay ang kasaysayan ni Sir Alexis. Pangako yan. Ipagsisigawan ko sa artiku­lo ang mga magagandang ginawa sa akin ni Sir Alexis at sa marami pang tao,’’ sabi ni Marikit kina Lolo Kandoy at Benhur. Nasa isang restoran sila at kumakain para sa selebrasyon ng gra­duation ni Marikit.

“Saang diyaryo ka nga ba magtatrabaho, Marikit?’’

“Sa The Reporter. Pina­ngakuan na ako ng Editor in chief na right after ng graduation ko e magtatrabaho sa kanila. Anumang oras pumunta ako sa kanya at magsisimula na ako. At ang story ni Sir Alexis ang isusulat ko.’’

“Tama ang gagawin mo, Marikit. Dapat ngang malaman nang maraming tao ang mabuting nagawa ni Alexis. Hindi dapat itago ang mga magagandang ginawa ng isang tao,’’

“Pati ang pagpapaaral niya sa akin at ang mga balak niya sa Isla Paraiso ay isusulat ko Lolo. Walang makakaligtas sa mga ginawa niyang kabutihan’’

Nagsalita naman si Benhur,

“Alam mo naman ang gagawin ko, Marikit kapag nakatapos na ako sa pag-aaral, tutulungan ko Sir Ale-xis sa mga gagawin niyang pagbabago sa Isla. Ako ang magiging alalay niya. Dalawang taon na lamang ako at matatapos na ang kurso ko. Hindi ko siya pababayaan. Maglilingkod ako sa kanya ng tapat.’’

 

KINABUKASAN, nagu­lat si Marikit nang may tumawag sa kanya – ang editor ng The Reporter.

“Bukas na bukas ay mag­-report ka sa akin, Marikit, Hihintayin kita 9:00 a.m. sa office ko. Mayroon akong ipagagawa sa’yo. Itong ipapagawa ko, e kayang-kaya mo.”

“Salamat po, Mam. Bu­kas po pupunta ako sa office mo. Salamat po sa pagtitiwala.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with