^

Punto Mo

Kalahati ng sangkatauhan naniniwala sa ‘alien’

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

HALOS kalahati umano ng kabuuang bilang ng mga tao sa daigdig ay naniniwalang merong ibang nilalang sa ibang panig ng sanlibutan at nais nilang makontak ang mga nabubuhay sa ibang planeta.

Ito ang lumitaw sa survey na ginawa ng research group na Glocalities sa 24 na bansa at napaulat sa New York Post. Ayon dito, 47 porsiyento ng 26,000 respondent sa survey ay naniniwala na merong ibang intelligent alien civilization sa universe. Nasa 61 porsiyento ng mga respondent ang sumagot ng “oo” nang tanungin kung naniniwala silang  merong mga anyo ng buhay sa ibang mga planeta.

Sa mga naniniwalang hindi nag-iisa sa universe ang tao, 60 porsiyento ang nagsabing dapat nating  tangkaing makipag-ugnayan sa mga nilalang na nabubuhay sa ibang planeta.

Isang quarter lang ng mga survey taker ang nagsasabing sa palagay nila ay walang nabubuhay na intelligent life sa labas ng daigdig.

Sa mga Amerikanong survey-taker, 45 porsiyento sa kanila ang hindi nahihiyang umamin sa idea ng ibang mga nabubuhay sa ibang bahagi ng sanlibutan.

Ayon sa ulat, sinasabi ng mga researcher na hindi ito ang unang nagawang survey na kumukuha sa pananaw ng mga respondent hinggil sa mga nabubuhay sa ibang planeta pero ito ang pinakamalaking ganitong klaseng survey na pandaigdigan ang sinaklaw.

Sinasabi naman ni Glocalities research director Martijn Lampert na ang resulta ng survey ay maaaring makatulong sa pagpapaliwanag kung bakit gustung-gusto ng mga tao ang pelikulang Star War na nagkaroon na ng napakaraming episode.

Isinaad din sa survey na ang mga Russian ang may pinakamalaking bilang ng mga naniniwala sa alien life sa rate na 68 porsiyento. Sumusunod at dumidikit sa kanila ang mga Mexican at Chinese respondent.

Ang The Netherlands naman ang mas higit na nagdududa sa buhay sa labas ng daigdig. 28 porsiyento lamang ng mga Dutch survey-taker ang tumanggap sa posibilidad na merong ibang mga nilalang na nabubuhay sa ibang mga planeta, ayon pa sa survey.

Isinagawa ng Glocalities ang survey sa 15 iba’t ibang wika mula Disyembre 2015 hanggang Pebrero 2016 sa mga bansang kumakatawan sa 62 porsiyento ng populasyon ng mundo at 80 porsiyento ng global economy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with