^

Punto Mo

600 christmas trees, sabay-sabay na pinailawan sa California

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MALIWANAG na sinalubong ng mga residente ng San Jose, California ang holiday season matapos sabay-sabay na pailawan ang daan-daang Christmas trees doon.

Nagdagsaan ang mga tao sa downtown area ng lungsod nito lamang nakaraang weekend upang masaksihan ang pagpapailaw ng mga event organizers sa 600 na Christmas trees.

Bagama’t hindi pa opisyal na kinikilala ay sinasabing may bagong world record na naitala ang mga taga-San Jose pagdating sa pinakamaraming napailawan na Christmas trees nang sabay-sabay.

Hindi pa raw natatanggap ng Guinness World  Records ang video ng sabayang pagpapailaw kaya sa ngayon ay nanatiling hawak ng Hallmark Channel ang titulo.

Nakapagtala kasi ng world record ang nasabing kompanya noong 2015 nang sabay-sabay nitong pailawan ang 559 Christmas trees sa New York City.

Ang bawat isa sa mga Christmas trees sa San Jose ay dinekorasyunan ng mga lokal na grupo katulad ng Boy Scouts at mga high school organizations.

Tinatayang aabot sa 65,000 ang bibisita sa San Jose para makita lang ang daan-daang Christmas trees sa susunod na 45 araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with