^

Punto Mo

Isla Paraiso (52)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI dapat magpadalus-dalos sa pagkakataong ito, Benhur. Mahalin mo ang buhay. Hindi dapat sayangin ang buhay sa katulad lamang ni Big Boy,’’ sabi ni Lolo Kandoy na tinatapik-tapik sa balikat si Benhur.

“Gusto na naming testingin ang husay namin sa martial arts Lolo Kandoy. Hindi n’yo po alam, nag-eensayo kami ng mga kasamahan ko mixed martial arts at nagsasanay kami sa paggamit ng arnis. Sa aplaya kami nag-eensayo at halos marunong na kamimg lahat sa kabila na kulang kami sa pagkain at iba pa.’’

“Kailangan n’yo pala ang pondo. Dapat malaman ito ni Alexis. Mas kailangan n’yo ang pondo.’’

“Ako na po ang magsasabi, Lolo Kandoy. Ipapaliwanag ko po kay Sir Alexis ang aking plano. Palagay ko mauunawaan niya ako.’’

“Ikaw ang bahala Benhur. Sige kausapin mo na siya ngayon.

“Salamat po Lolo.’’

“Basta ang payo ko, huwag kang magpadalus-dalos kay Big Boy. Hindi pa ito ang tamang panahon,. Pigilin mo muna ang galit sapagkat pag hindi napigil ikaw ang mabibiktima nito.’’

“Opo Lolo.”

“Halika na Benhur, kausapin mo na si Alexis,’’ yaya ni lolo.

Kinausap ni Benhur si Alexis.

“Mahalaga ang sasabihin ko Sir Alexis.’’

“Ano yun?’’

“Mamaya pong gabi, pupunta kami sa dulo ng isla para matiyak kung naroon ang mga barko.’’

“Sige. Ilan ang kasama mo?’’

“Mga anim po kami.’’

“Good luck sa inyo.’’

Kinagabihan dakong 9:00 p.m. nagawa nina Benhur na pasukin ang dulo ng isla. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with