^

Punto Mo

‘CBCP, mag-party list na lang kaya kayo?’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI talaga titigil sa pagkiyaw-kiyaw ang Simbahang Katoliko.

 Sa halip nangangaral at ginagabayan ang kanilang mga kaanib, gobyerno ang pinupuna at pinagtutuunan ng pansin.

 Sila-sila mismo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines nagsasalungatan. May mga nasa tono pero mas marami ang sintunado.   

 Hindi na nila nagagampanan ang pinakasaysay kung bakit nasa likod sila ng pulpito. Ewan, pagrerebelde na yata ang kanilang itinuturo.

 Napuna tuloy sila ni Speaker Pantaleon Alvarez. Malalaki ang nalilikom nila pero hindi naman nagbabayad ng tax.  

 Pero hindi lang dapat Simbahang Katoliko ang patawan ng buwis bagkus maging lahat ng mga denominasyon. Kaya lang naman napapansin ang CBCP dahil sobra silang maiingay at madada.

 Mawalang-galang lang po, unsolicited advice diyan sa inyo sa CBCP, magtayo na lang kaya kayo ng sarili ninyong partylist. Tutal mas gusto ninyo namang humarap sa mikropono at kamera kaysa humawak ng ebanghelyo.  

 Mukhang mali ‘ata ang pinasok ninyo. Gusto nyo ‘ata maging pulitiko.  

 Kayong mga miyembro nakakasiguro ba kayo na ang mga abuloy n’yo ginagamit sa Simbahan? Baka naman napupunta yan sa mga dilawan ambag sa pamasahe ni Lascañas et al papuntang The Netherlands.  Nagtatanong lang po.

 Paglilinaw. Hindi ko binibira o kinakalaban ang Simbahang Katoliko. Ang target ko, ‘yung mga obispo at paring maiingay na bumubuo sa institusyon.

 Mangaral nga kayo hindi pakikialam sa gobyerno!    

• • • • • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa mga palabas ng BMUI, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

 

 

 

vuukle comment

CBCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with