^

Punto Mo

Pagbabalik ng ‘Oplan Tokhang’

Ely Saludar - Pang-masa

May mga pabor sa desis­yon ni Pres. Rodrigo Duterte sa pagpapabalik sa kontro-bersiyal na “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP).

Pero marami rin ang na-ngangamba na hindi lang ang mga taong sangkot sa iligal na droga kundi ay mga inosente na maaring mapagkamalan o madamay sa operasyon ng PNP.

Base kasi sa naunang “Tokhang”, naging masama ang performance nito matapos na may madamay na mga walang kinalaman sa iligal na droga pero pinatay.

May mga kaso rin na sinamantala ng ilang tiwaling pulis ang “Tokhang” upang makapangotong o patayin ang kanilang mga tauhan na sangkot sa ilegal na gawain.

At ang pinaka kontrobersiyal na sablay at nakasira sa imahe ng “Tokhang” ay ang pagkidnap at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-joo .

Kaya naman agad na pinalusaw ng Presidente at PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang PNP-Anti-Illegal Drugs Group.

Ngayon ay muling ibinabalik ang “Tokhang” pero ang nais ng Presidente ay isang special group na bubuuin ng mga piling pulis na matino at kailanman ay hindi nasangkot sa katiwalian o pag-aabuso sa kapangyarihan.

Sana sa pagbabalik ng “Tokhang” ay tiyakin na magiging maayos ang operasyon at makatulong pa sa lalong pagpapabuti sa imahe ng PNP.

Inaasahan ng publiko na walang humpay at hindi lulubayan ang paglilinis sa hanap ng PNP laban sa police scalawags.

At higit sa lahat, mabilis din ang pagpapataw ng parusa sa mga pulis na aabuso at magsasamantala gamit ang “Tokhang” na pangunahing daan sa kampanya laban sa illlegal drugs sa bansa.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with