‘Prenup’
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - June 1, 2016 - 12:00am

Noong bata pa ako, nasa edad sampu o labing-isang taon, ang pangarap ko ay makapag-asawa ng mayaman. Ang pangarap na iyon ay nag-ugat sa mga napapanood kong lumang pelikula na ipinapalabas sa TV tuwing hapon. Pero walang nanligaw sa akin na mayaman kaya binabaan ko na lang ang qualification : Kailangang mas mayaman pa siya sa daga. Mula sa cliché na mahirap pa sa daga.

May kakilala ako, na kagaya ko rin, pangarap na makapag-asawa ng mayaman noong bata pa siya. At natupad naman ang kanyang pangarap. Naisip kong masuwerte ang aking kakilala. Kasi mayaman na sila, mayaman pa rin ang mapapangasawa. Malawak ang kanilang niyugan, palayan at lansonesan.

Isang buwan bago ikasal ang aking kakilala, may ipinadalang papeles sa kanya ang family lawyer ng kanyang boyfriend. Prenuptial agreement daw iyon. Nakasaad sa papeles na pinapipirmahan sa kanya: Kapag kasal na sila ng kanyang boyfriend, payag siyang hindi makihati sa mamanahin, kinita at nabiling ari-arian noong binata pa ito.

May iba pang sinasabi sa papeles ngunit hindi na tinapos ng aking kakilala ang pagbabasa. Nagsimula nang magsakitan ang kanyang ulo. Lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Naglaro sa isip niya ang mga katanungan.

Bago pa lang silang bubuo ng pamilya, pagtutuos/pagkukuwenta na agad ang inaatupag na kanyang boyfriend? Paano na kung kasal na sila? Baka “magkuwentahan” na lang ng mga nagastos ang kanilang gawin  sa araw-araw. Kaninong pera ang ginamit sa food expenses o sino ang mas malaking kumita. Pera na lang ang magiging topic nila.

Sa kanilang bayan, ang tawag doon ay “matuos o mahilig magkuwenta”. Kapag tinawag kang taong matuos, katumbas na iyon ng pagiging makasarili o maramot. Mayaman din naman sila pero hindi pumasok sa isip niya na pagdating ng araw ay makikihati ang kanyang boyfriend sa kanyang mamanahin. Kasi “pure love” ang nadadama niya sa boyfriend. Pero sa mismong oras na iyon, nagdududa na siya sa kanyang nadadama.

Pagtapos mag-isip ng tatlong araw, tinawagan niya ang boyfriend na uurong na siya sa kasal. Nagtangka ang boyfriend na suyuin siya pero matigas siya sa naging desisyon. Hindi na siya umibig simula noon. Sa kasalukuyan ay madre na siya.

LENI ROBREDO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with