10 commandments ng mag-asawa

  1. Igalang mo ang iyong mga biyenan kahit masama ang ugali.
  2. Huwag lalayas sa bahay kapag nag-away. Iyon ang nagiging ugat ng permanenteng hiwalayan.
  3. Iwasang maging burara, na hanggang sa dining table ay naiiwan ang bagong hubad na underwear. Baka iyan maipambalot ng lumpia.
  4. Huwag kang maninigaw kahit asar na asar ka na.
  5. Maglandian pa rin paminsan-minsan na parang “virgin” pa kayo.
  6. Huwag bibili ng pets para sa mga anak tapos iaasa ang pag-aalaga kay Misis o kay Mister lang.
  7. Panatilihing maporma pa rin kagaya noong nagliligawan pa kayo. Hindi excuse na matatanda na kayo.
  8. Huwag  bibili ng lingerie na walang approval ni Misis at huwag bibili ng brief na walang approval ni Mister. O, kaya, kanya-kanyang bili na lang para walang away.
  9. Huwag papansinin na lumalaki na ang bilbil ni Misis o kasing lapad na ng palanggana ang kanyang puwet. Dedma lang si Misis kung malaki ang tiyan  o  “shagi” na ang buhok ni Mister. (Shagi: sa gilid na lang ang may buhok).
  10. Lagi pa rin magyakapan at maghalikan kahit walang dahilan.

 

Show comments