HPG chief, dapat kastiguhin
KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar (Pang-masa) - December 12, 2015 - 9:00am

ANG buong akala nang lahat ay mareresolba ng Highway Patrol Group (HPG) ang matindig problema sa trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Isinalin ng MMDA ang pangangasiwa sa trapiko sa HPG dahil sa reklamo ng publiko na hindi malutas na problema sa trapiko.

Pero pansamantala lang pala ang tikas ng HPG dahil biglang kumupas at lumitaw na ningas-kugon lang ito.

Ngayon ay ating mapapansin na hindi na kaagresibo ang mga tauhan ng HPG na nagmamando ng trapiko sa EDSA.

Nagpatupad din ng kung anu-anong sistema ang HPG na naglagay ng barrier sa EDSA na nagpalala sa problema sa trapiko.

Sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA ay inalis ang U Turn slot at naglagay ng traffic lights na inihirit noon ni HPG chief Arnold Gunacao.

Pero ngayong lalo pang lumala ang problema sa trapiko sa Quezon Avenue at EDSA ay kataka-takang naghugas-kamay si Gunacao at inililigtas ang sarili sa problema sa trapiko.

Madalas bukambibig ngayon ni Gunacao na kasalanan ng MMDA ang paglala sa trapiko samantalang ang HPG na ang may kontrol sa EDSA.

Dapat akuin ni Gunacao ang responsibilid kapag may palpak at huwag ituro sa MMDA dahil nasa kamay na nila ang responsibilidad sa EDSA.

Dapat kastiguhin o sibakin sa puwesto si Gunacao at palitan ng isang pinuno na hindi madaldal at maninisi sa halip ay nagtatrabaho nang tahimik.

Naubos na ang tiwala ng publiko sa HPG na noong una ay naging popular at umani ng papuri subalit ngayon ay wala rin palang binatbat.

ANG ARNOLD GUNACAO DAPAT EDSA GUNACAO HIGHWAY PATROL GROUP HPG PERO QUEZON AVENUE TRAPIKO U TURN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with