Ang SARO at DAP

Totoong masaklap mga kalamidad

Na sa ating bansa ay biglang naganap;

Sa nangyaring ito’y ganap na paglingap

Ang dapat ibigay sa salanta’t hirap!

 

Daming natatakot na ang DAP at SARO

Magiging pahirap sa maraming tao;

Ito’y gagamitin ng nasa gobyerno

Tiyak na sa scam babagsik din ito!

 

Kung may pera tayo sa SARO at DAP

Bakit di ilaan sa mga mahirap?

Ang pera’t relief goods ay dalhin kaagad

Upang di mamaho dahil sa natambak?

 

Ang mga regalo na galing sa abroad

Dapat ipamigay nang hindi mabulok;

Saku-sakong bigas nabasa’t nabansot

Sa hangad ng ibang ang gusto’y mabantog!

Show comments