Tips for all Seasons (6)

Kung seryoso kang mag-quit sa paninigarilyo, mag-sauna ka ng tatlong sunod na araw. Ang objective nito ay mailabas ang nicotine sa pamamagitan ng pagpapapawis. Sa ganitong paraan, magiging mabilis na ang pagku-quit.

Kung gusto mong sipagin sa pagtatrabaho, maligo ka muna. Nakakadagdag ng productivity ang pakiramdam na mabango at malinis ka.

Kumain ng orange bago mag-workout. Nakapipigil ito sa pagsakit ng mga kalamnan dulot ng workout.

Mas malamig sa bedroom na tinutulugan mo, mas malaki ang tsansa na magkaroon ka ng bad dream.

Kung nangangati ang iyong tenga sa mga fancy earrings, pahiran mo muna ng Vaseline ang hikaw bago isuot sa butas ng tenga.

Ang tamang paraan ng pagtanggap ng papuri ay sagutin ito ng pasasalamat.

Taking notes on the computer? Gamitin mo ang weird font. Mas weird ang font ng text, mas mabilis matandaan.

Ang pinakamainam na paraan upang malaman mo ang ugali ng ka-date: Obserbahan kung paano niya tinatrato ang waiter at waitress.

Ang 20-20-20 rule ay epektibong paraan upang ma­tanggal ang eye strain at sakit ng ulo. Ang ibig sabihin ng 20-20-20: Tumingin sa isang bagay na may distansiyang 20 feet sa loob ng 20 seconds at ulitin ang process tuwing 20 minutes.

Show comments