^

Punto Mo

2 ‘Pekpek Shorts’ Collection

DIKLAP - Ms Anne - Pang-masa

(‘Pekpek shorts’ ang slang na salita sa shorts na sobrang ikli at umaabot hanggang kasingit-singitan ng ‘flower’. Ito ang naisipan kong itawag sa mga koleksiyon kong  “dagli”o maikling-maikli kuwento.)

Abraham Lincoln

Noong 1858, ibinoto ng Illinois legislature si Stephen A. Douglas bilang senador sa halip na si Abraham Lincoln. Isang nagmamalasakit na kaibigan ang nagtanong kay Lincoln kung ano ang naramdaman nito:  “Para akong isang bata na tinapakan ang paa ng isang kalaro. Gusto kong umiyak, dahil nasaktan ako, pero hindi ko magawa dahil baka sabihin ay para akong batang iyakin. Hindi  ko naman kayang tumawa kahit pakunwari dahil nasaktan talaga ako.”

Cecil DeMille

Naalarma ang mga producers ng The Ten Commandments nang malaman nilang malaki na ang nagagastos ng director na si Cecil DeMille gayong nangangalahati pa lang siya sa ginagawang pelikula. Nakarating sa magaling na director ang pagrereklamo ng producers kaya nasabi niya;

“Ano ang gusto nilang gawin ko? Tapusin na lang ang pelikula nang wala sa panahon at palitan na lang ang titulo ng The Five Commandments? Hindi dapat sila magkuripot, Bible epic ang ipinagagawa nila sa akin!”,

             

vuukle comment

ABRAHAM LINCOLN

ANO

FIVE COMMANDMENTS

ISANG

NAALARMA

NAKARATING

STEPHEN A

TEN COMMANDMENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with