Lamayan niratrat: Magbayaw sugatan

MANILA, Philippines – Nasugatan ang isang magbayaw matapos na mamamaril ang hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa isang burol sa Brgy. Dado Dangwa, Tabuk City, Kalinga noong Sabado.

Sa ulat ng Tabuk City Police ang dalawang nasugatan ay isang 58-anyos na mister at bayaw nitong 50-anyos; pawang mula sa tribong Naneng sa Kalinga na nagtamo ng mga tama ng bala sa singit, braso at binti.

Ang mga biktima ay kasapi ng tribong Naneng na pinagbabaril ng mga miyembro ng tribong ­Tinglayan dahilan sa umano’y alitan sa lupa.

Sa ulat, alas-7:50 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng pulisya hinggil sa pamamaril sa lamay sa lugar.

Naglatag naman ng mga checkpoint ang mga rumespondeng tauhan ng pulisya at naglunsad ng mga tactical search at security operation upang matukoy ang pinagmulan ng putukan at masakote ang mga ito.

Show comments