Mary Grace Piattos, pinapalantad sa trial

Former state auditor Roderick Wamil (inset) testified that part of the OVP funds were used for medicine, food assistance, payment of incentives and travel expenses – expenditures which are not among the authorized uses of confidential funds under existing government rules.
Ryan Baldemor

Subpoena ipapadala sa OVP…     

MANILA, Philippines — Dahil hindi umano mahanap ng prosecution team si Mary Grace Piattos, magpapa-isyu umano ang mga ito ng subpoena na ipapadala sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

“Isa-subpoena  namin si Mary Grace Piattos.Hinahanap pa namin, hindi namin makita. Kung saan-saan kaming Mary Grace na pumunta hindi namin makita. Papadala namin sa Office of the Vice President yung subpoena,” wika ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan bago nagsimula ang ika-12 araw ng impeachment trial.

Si Piattos, pinagsamang pangalan ng cake at sitsirya ay isa sa mga pangalang lumitaw sa acknowledgement receipts ng Office of the President (OVP) na nakatanggap ng malaking halaga ng confidential funds.

Tinatalakay sa maglilitis sa impeachment court ang unang artikulo ng impeachment laban kay VP Duterte na nag-aakusa rito sa paglulustay ng P 500 milyong confidential funds ng OVP at P112.5 milyon naman sa DepEd noong ito pa ang dating kalihim ng ahensiya.

Inihayag naman ni prosecution panel adviser at Spokesman Robert Ace Barbers na panahon na para lumabas na si Mary Grace Piattos upang malantad kung totoong tao ba ito o imbentong pangalan lamang.

Show comments