^

Police Metro

DepEd sa LGUs: Paaralan,’wag gamiting evacuation center

Mer Layson - Pang-masa
DepEd sa LGUs: Paaralan,�wag gamiting evacuation center
Residents arrive at a school that serves as an evacuation centre in Marikina on October 29, 2022, following widespread flooding from heavy rain brought by Tropical Storm Nalgae.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — “Iwasang gamitin bilang evacuation cen­ters ang mga paaralan ngayong nalalapit na naman ang panahon ng tag-ulan.”

Ito ang naging panawagan ni Department of Education (DepEd) spokesperson Undersecretary Michael Poa sa mga local government units (LGUs) na maaaring magresulta sa pagkaantala ng pag-aaral ng mga bata.

Ani Poa, ang natu­rang alalahanin ay ipinaabot na nila sa idinaos na council meeting, kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Matatandaang kalimitan nang ang mga paaralan ang ginagamit bilang evacuation cen­ters ng mga residenteng kailangang lumikas ng kanilang tahanan sa panahon ng kalamidad.

Gayunman, sinabi ni Poa na maging ang mga mag-aaral na hindi naman gaanong apektado ng kalamidad ay hindi rin agad makabalik sa paaralan kung ginagamit na evacuation center ang mga eskwelahan.

Alinsunod sa nirebisang DepEd Order 37, na nilagdaan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, maaari namang gamitin ang mga paaralan bilang immediate evacuation site, sa panahon ng kalamidad.

Gayunman, hindi ito dapat na tumagal ng higit sa 15 araw. Ang School Year 2024-2025 ay nakatakdang magsimula sa Hulyo 29, 2024, na panahon pa ng tag-ulan sa bansa.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with