^

Police Metro

Tatay pinatay ng 15-anyos na anak

Cristina Timbang - Pang-masa
Tatay pinatay ng 15-anyos na anak
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-11:40 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan ay nakatalo ni Jon ang kapatid nitong si alyas Kyle.
STAR / File

Umawat sa away

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 47-anyos na tatay matapos saksakin sa mukha ng kaniyang 15-anyos na anak nang umawat sa away ng dalawang anak, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si alyas Nesting, residente ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Kusang loob namang sumuko ang suspek sa kanilang barangay na kinilalang si alyas Jon, High school student, residente ng San Rafael Executive Village, Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-11:40 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan ay nakatalo ni Jon ang kapatid nitong si alyas Kyle.

Dito ay pumagitna ang biktima para awatin ang pagtatalo ng dalawang anak na hindi umano nagustuhan ni Jon sa pag-aakalang kinakampihan nito ang kapatid.

Sa pag-aakala ng biktima na naayos na ay lumabas na ito ng bahay na hindi alam na siya ay sinundan ni Jon at inundayan ng saksak sa mukha.

Naitakbo pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktima, subalit idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with