^

Police Metro

Nurse, 1 pa todas sa bodyguard ng pulitiko

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Nagalit nang tulungan…

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawang katao kabilang ang nurse nang barilin sa ulo ng lasing na umano’y bodyguard ng isang pulitiko na nagalit sa ginawang pagtulong sa kanya, naganap nitong Linggo sa Congress Village, Brgy. 173, Caloocan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mark John Aurey Blanco, 38, nurse at residente ng Block 11, Lot 16, Sapphire St., Merry Homes Subdivision, Brgy. 172, Caloocan; at Willy Manarom, 39, construction worker at naninirahan sa Block 50, Lot 7, USNAI, Brgy. 173, Congress Caloocan City.

Agad namang naaresto ng mga pulis ang suspek na si Joel Vecino, 54, ng Block 6, Lot 11, Badjao St. Saint Dominic, Brgy. 168, Deparo, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang krimen, dakong alas-8:10 ng gabi nitong Linggo sa panulukan ng Road 17 at Road 6 Lagumbay St. Upper Congress Village, Brgy. 173 ng nabanggit na lungsod.

Bago naganap ang krimen ay sakay ng kanyang motorsiklo ang suspek nang aksidenteng bumag­sak dala ng matin­ding kalasingan.

Nakita ni Blanco ang pagkakabagsak ng suspek kaya tinulungan niya itong makatayo.

Subalit ikinagalit ng suspek ang pagtulong ni Blanco kaya binunot nito ang kanyang Glock 9MM na baril at binaril sa ulo ang biktima.

Lumapit ang biktimang si Manarom upang umawat, subalit maging ito ay binaril din ng suspek.

Sinabi pa ng ilang saksi na nagpapakilala ang suspek na security officer ng isang pulitiko na tangka pang tumakas ngunit agad na naaresto ng mga rumes­pondeng pulis.

Kinumpiska ng  pulisya ang gamit na  Yamaha R15 ng suspek na may plakang 841NGM at may sticker na  JCVecino sa gas tank.

Nakarekober naman ng  tatlong basyo ng bala ng Glock 9mm ang Northern Police District Forensic Unit sa crime scene. Nahaharap sa kasong murder ang suspek. 

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with