^

Police Metro

Rider itinumba ng kausap na kabaro

Mer Layson - Pang-masa
Rider itinumba ng kausap na kabaro
Kinilala ang nasawi na si Aaron Gibb Mamucod, residente ng Yuseco St., Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 23-anyos na motorcycle rider matapos na siya ay malapitang pagbabarilin ng kausap na rider sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Aaron Gibb Mamucod, residente ng Yuseco St., Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas ang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan at inilarawang may taas na hanggang 5’9”, nakasuot ng kulay itim na long sleeve at short pants.

Sa imbestigasyon, alas-8:50 ng gabi nang maganap ang krimen sa Felix Huertas St., kanto ng Bambang St. sa Sta. Cruz.

Base sa kuha ng CCTV, bago ang krimen ay makikitang kapwa nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima at suspek at magkasunod na binabaybay ang Felix Huertas St.

Maya-maya ay ipinarada ng dalawa ang kanilang motorsiklo sa naturang lugar at nag-usap ang mga ito nang bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek at ilang ulit na pinaputukan ang biktima bago mabilis na tumakas.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with